Sila ang mga magigiting na bayani na matapang na binuwis ang kani-kanilang mga buhay upang mabigyan ng kalayaan ang ating Inang Bayan. Ibat-ibang mga mukha na marahil ay hindi na kilala ng ilan, mga mukha paminsan minsan na lamang nakikita sa Libro, Paaralan, Internet o Pahayagan. Kahit ang kanilang mga pangalan ay limot na rin ng mga kabataan ngayon, marahil nakakatawang isipin na anuman ang laki ng iyong kontribusyon sa pag-laya ng ating Inang Bayan ay malilimutan ka lang ng bagong henerasyon.
Ngunit sa bawat paglimot ay pag-usbong ng mga bagong bayani na handang isakrispisyo ang kani-kanilang mga sariling kapakanan, handang tumulong sa mga nangangailangan at mga bayaning madalas nating nakakasama. Sino nga ba sila? Sino ang bagong bayani ng ating panahon?
Mga bayaning may ibat-ibang tungkulin, ibat-ibang mga mukha o uniforme, mga bayaning laging nandiyan at laging maasahan. Hindi man natin napapansin ang kanilang mga hirap at sakrispisyo nawa'y ating silang pasalamatan sa araw na ito!
Happy National Heroes day sa lahat ng Security Guard/ Lady Guard o madalas nating tawagin sa katagang "Manong Guard o ate Guard", madalas man nilang kinakapa at dinudutdut ang ating mga bagahe ay dapat nating intindihin na ginagawa lang nila ang kanilang mga tungkulin upang maging ligtas ang lahat sa loob ng terminal/ pantalan.
Happy National Heroes day sa lahat ng Ticketing officer na madalas kung minsan kahit holiday na ay kailangan paring pumasok dahil hangad nila na makauwi ang mga pasahero na magtutungo sa kani-kanilang mga probinsiya. Minsan man sila'y masungit ngunit ang kanilang puso'y busilak at sila'y nariyan upang kayo'y paglingkuran.
Happy National Heroes day sa lahat ng Maintenance na handang check-upin ang bus/ barko upang masiguradong ligtas ang biyahe ng lahat, maging sa mga Utility ng terminal/ pantalan na nariyan upang mapanatiling malinis ang mga pampublikong sakayan.
Happy National Heroes day sa lahat ng Drivers na maingat na nagmamaneho upang maging ligtas ang lahat at makarating sa kani-kanilang mga tahanan maging sa mga Conductors/ Dispatchers na umaalalay sa mga pasaherong may mga mabibigat na dala sa kanilang pag-uwi.
at Happy National Heroes day sa lahat ng pasaherong may busilak na puso at handang tumulong sa kapwa niya pasahero kung ito'y nangangailangan. Kayo ang tunay na bayani ng bagong panahon! Ang bayani namin ngayon! Mabuhay Kayong lahat mga BIYAHEroes!